Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang tropikal
Klimang Tropikal
Ayon sa Siyensya, ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng panahon sa isang lugar na tumatagal sa loob ng isang tiyak na panahon. Ang ating heograpikal na lokasyon ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa bawat klima ng bansa. Ang Klimang Tropikal ay isang uri ng klima na matatagpuan sa mga bansang malapit sa equator.
Bukod sa klimang Tropical, marami pang ibang uri ng klima. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Dry o Tuyo
- Polar and Tundra Walang panahong tuyo
- Mediterranean Hindi tiyak ang panahon
- Tropikal o Halos pantay na distribusyon ng ulan at tagtuyo
Para sa karagdagan kaalaman ukol sa klase ng klima
https://brainly.ph/question/578637
Ang isang bansang tropikal ay nakararanas ng mga sumusunod na magagandang bagay
- Mayamang kagubatan
- Mayamang kapaligiran
- Sagana sa yamang likas
- Matatabang lupain
- Mayaman sa pananim
Mayamang kagubatan
May mga uri o klase ng puno na nabubuhay o lumalaki lamang sa isang tropikal na klima. Hal: Tropical Palm Trees,Tropical needle palm, Chinese windmill palm
Mayamang kapaligiran
Kung may mga puno na nabubuhay lamang sa isang tropikal na klima, may mga hayop at bulaklak din na makikita lamang sa isang tropikal na klima
Sagana sa yamang likas
Matatagpuan ang napakaraming yamang tubig at yamang lupa sa isang tropikal na klima. May mga isda rin at corals na makikita lamang sa mga bansa na may tropikal na klima
Matatabang lupain
Dahil angkop ang temperatura ng bansang tropikal, sadyang tumataba ang mga lupa dahil nakakakuha sila ng sapat na nutrisyon mula sa napakayamang kapaligiran at direktang sinag ng araw.
Mayaman sa pananim
Dahil mayroong matatabang lupain na matatagpuan sa isang tropikal na klima, may iba't ibang klase ng pananim ang maaaring itanim ng mga tao dito. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pinagkukunang yaman ng mga tao sa isang tropikal na bansa.
Para sa listahan ng mga bansang may klimang tropikal
https://brainly.ph/question/164480
Para sa listahan ng mga bansang may klimang tropikal na kanser at kaprikorn
https://brainly.ph/question/1677064
Pilipinas bilang Tropikal na bansa
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa equator kung kaya't ito ay may isang tropikal na klima. Sa loob ng isang taon, nakararanas tayo ng dalawang pangunahing uri ng panahon: tag-ulan at tagtuyo. Tayo rin ay madalas nakararanas ng mga bagyo kumpara sa ibang bansa. Dahil dito, malimit tayong nakararanas ng pagbaha. Gayunpaman, ang Pilipinas ay isang napakayamang bansa. Sa katunayan, ito ay tinaguriang Biodiversity Rich country dahil sa dami ng bilang ng mga hayop, halaman, at iba pa na sa Pilipinas lamang matatagpuan.
Ang mga natural na yaman na matatagpuan sa ating bansa ay nagsilbing atraksyon at pangunahing pinagkakakitaan ng mga Pilipino. Ang turismo ay isa sa nakapagbibigay ng malaking halaga ng buwis sa atin. Bukod dito, agrikultura rin ang isa sa mga pinagkakakitaan ng mga Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral, ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng ibon na matatagpuan lamang sa ating bansa.
Mayroong ang Pilipinas na:
- 612 bird species, 194 sa bilang ang dito lamang makikita sa ating bansa.
- 111 amphibian at 270 reptile species
- 330 freshwater fish species
- 14000 insect species na dito lamang makikita sa ating bansa.
- 9250 plant species na dito lamang makikita sa ating bansa.
Ang ilan sa mga halaman, puno, hayop, at isda na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay ang mga sumusunod:
- Philippine eagle
- Philippine freshwater crocodile
- Tamaraw
- Philippine tarsier
- Rafflesia
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.