Sa huling bahagi ng sanaysay ni Plato na pinamagatang 'The Republic', sinabi niya na ang mga manunula ay hindi dapat manatili sa ating lipunan. Ang mga sulatin o mga tulang ginagawa ng mga manunula ay sumasalamin sa mga di makatao at makatwirang gawain ng mga tao. At dahil ang mga tula at iba pang literatura ay madaling makahimok ng mga negatibong emosyon, ang mambabasa ay nagiging hindi na rin makatao at makatwiran. Sa madaling sabi, ang mga tula ay ginagawang di makatao o masama ang mga tao. Sinabi rin niya na ang mga mabubuting kaluluwa ay binibigyan ng gantimpalang isang taong buhay at ang mga masasamang kaluluwa naman ay pinaparusahan ng kaparehong bilang ng taon. Pagkatapos niyo, ang mga kaluluwa na ang pipili ng buhay na nais nitong tahakin.