IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

denotatibong kahulugan ng kamatayan

Sagot :

Kapag sinabing denotatibong kahulugan, ito ay tumutukoy sa kasingkahulugan nito o ang ibang salitang tumutukoy dito.  Kaya ang denotatibong kahulugan ng kamatayan ay ang mga salitang tulad ng katapusan, wakas, walang kabatiran, konklusyon, napakaidlip na tulog o ang pagkawasak. 

Pwede ring sabihin na ang kamatayan ay kabaligtaran ng buhay.  Ibig sabihin ito ay kabaligtaran ng anumang bagay na pwedeng gawin ng isang nabubuhay.  Halimbawa, nagagawa ng mga buhay ang huminga, kumain, magsalita at mag-isip pero ang mga iyan ay hindi kayang gawin ng sinumang patay.  

Ang isa sa mga denotatibong kahulugan nito na nabanggit na ay ang napakaidlip na tulog.  Sa ibang pananalita, ang isang patay ay walang anumang nalalaman at tulad ng isang taong maidlip na natutulog, siya ay walang anumang nalalamang bagay sa mga sandaling iyon.  Ganito ang paglalarawan ng Biblia sa kamatayan dahil balang araw, itinuturo nito na bubuhaying muli ang mga patay na nasa alaala ng Diyos.