Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay sangkatauhan bakit sila tinawag na mga bilanggo ni plato?

Sagot :

Alegorya ng Yungib:

       Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na isinulat ni Plato na tumatalakay sa edukasyon at katotohanan. Sa sanaysay na ito ginamit ni Plato ang tao sa yungib bilang representasyon ng kabuuan ng tao. ghinamit ni Plato ang sanaysay na ito upang ipaliwanag ang mahahalagang natutunan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.

Upang lubos na maunawaan ang Alegorya ng Yungib, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/127911

Bakit tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tao sa yungib?

Tinawag na bilanggo ni Plato ang sangkatauhan na kinakatawan ng mga tao sa loob ng yungib sapagkat sila ay tila nakabilanggo sa kanilang kawalang alam o kamangmangan. Inihambing niya ang sangkatauhan sa mga tao na nasa loob ng yungib na nakagapos at tila hindi makagalaw sa kanilang kinalalagyan. Ang tanging paraan upang maging Malaya ay ang kusang paglabas mula sa yungib patungo sa liwanag.

Bukod dito, sinabi ni Plato na ang mga tao ang naglilimita ng kanilang mga sarili na tulad ng mga bilanggo. Ang pagpili at paggawa ng desisyon na makapag aral ay nasa tao lamang. Maraming tao sa mundo ang may kakayahang mag aral ngunit mas piniling magbulakbol at magpabaya sapagkat nakukuha na nila ang kanilang mga gusto kahit hindi magbanat ng buto. Hindi nila nakikita ang kahalagahan ng pag aaral at pagtatapos.

Bilang karagdagan, sinabi ni Plato na ang mga tao ay likas na matalino kaya lamang may mga pagkakataon na hindi nagagamit ng tao ang kanilang karunungan sapagkat kulang sila sa pangangatwiran. Kaya naman nananatili silang bilanggo sa mga mali nilang katwiran at baluktot na paniniwala. Anuman ang kanilang maisip ay ang siya nilang pinaniniwalaan kaya nananatili silang tila bulag sa katotohanan abingi sa katwiran.

Upang lubos na maunawaan ang mga pananaw ni Plato, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/144430

https://brainly.ph/question/152784