Isa sa mga tanyag na kwentong bayan ng mga Maranao ay
pinamagatang " Naging Sultan si Pilandok". Ito ay kwento ng tusong si
Pilandok na ipakulong at ipinatapon ng sultan sa gitna ng dagat dahil sa
kasalanang nagawa ngunit nagbalik ito at nagbalat-kayo bilang mayaman dahil sa
tulong ng mga ninuno sa ilalim ng dagat. Nauto niya ang sultan na pumunta sa
ilalim ng dagat para makita ang mga ninuno nito at iniwan siyang pansamantalang
sultan habang nagpapatapon sa dagat ang sultan kaya siya naging sultan dahil
wala namang kaharian sa ilalim ng dagat at namatay ang tunay na sultan doon ng
walang nakakaalam.