Sa babasahing sanaysay na isinulat ni Plato, higit mo siyang
makikilala na taglay niya ang mataas na karunungan. Masasalamin mo rin ang
pilosopiyang pinagbatayan niya mula sa paksang kaniyang tinalakay sa sanaysay.
Gayundin, bigyan mo ng pansin kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng
sariling pananaw at paano ito magagamit upang magkaroon ng kamalayan sa kultura
at kaugalian ng isang bansa. Ang sanaysay na ito ay salaysay ukol sa dalawang
taong nag-uusap: ang marunong na si Socrates at ang kapatid ni Plato na si
Glaucon.