Ang patak ng mahinang ulan pumupuno rin ng isang lalagyan ay nangangahulugang kahit gaano pa kaliit ang kasalanan o pagkakamaling nagawa kapag ito ay inulit ng inulit darating ang araw na mapupuno rin ang lalagyan, matatapon ang nasa loob ito at magkakalat na parang isang malaking pagsabog. Para itong pagkikimkim ng mga maliliit na sama ng loob hanggang sa tinipon na sama ng loob ay lumobo at sumabog na dahil hindi na kinaya ng pagtitimpi.