IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Title: Nanay
Biyaya na buhay iyong ibinigay
Lubos na sakripisyo iyong inalay
Alaga’t aruga na walang kapantay
Aking naramdaman sa iyong mga kamay.
Unang ABAKADA sa ’yo natutunan
Bago ituro sa ’kin sa paaralan
Mistulang “classroom” ang loob ng tahanan
Habang ako ay iyong tinuturuan.
Sa aking paglaki aking nasaksihan
Kung papaano mo ako protektahan
Sa langaw at lamok di padadapua
Sa lahat ng oras laging babantayan.
Lagi kang nariyan upang umalalay
Payo at pangaral mo, mistulang gabay
Sa landas na tatahakin ko sa buhay
Aking iaalay para sa ’yo Nanay.
Good day here is my poem hope it helps
btw mas okay kung kayo gagawa ng sariling nyong tula at mag find nalang ng clue.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.