IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
Kung mabuti ang kilos, nangangahulugan ito na ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay tama. Ngunit kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman o hindi pa gaanong matatag ang kaniyang paninindigan sa mabuti. Mahihinuha mula sa paliwanag sa itaas na maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masama. May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay. Lumilitaw ito sa mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang kaalaman sa isang pagkakataon. Halimbawa, lilitaw lamang ang kamangmangan ng isang tao sa isang konsepto kung ito ay itinanong sa isang pagsusulit. Hindi pa matataya ang kawalan ng kaalaman dito kung hindi dahil sa pagsusulit. May dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang mataya kung kailan maituturing na masama ang maling paghuhusga ng konsensiya. Mga Uri ng Kamangmangan 1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kapabayaan ng tao. May pagkakataon ang tao na makaalam ngunit hindi nagbigay ng panahon at pagsisikap upang malaman ang tama o ang mabuti. Nangyayari ito kapag may nararamdaman ang taong pag-aalinlangan ngunit walang pagsisikap na maunawaan ang tunay na mabuti at masama. May mga sitwasyong hindi tiyak ng tao kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakataong ganito, may panganib na magpadalos-dalos ang tao sa pagkilos. Ngunit sa ganitong pagkakataon, hindi nararapat na sundin ang maling konsensiya. Halimbawa, lumapit sa iyo ang iyong nakababatang kapatid at dumaing dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha nito ang labis na paghihirap. Binuksan mo ang lalagyan niya ng gamot at iba’t ibang gamot ang naroon. Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang gamot para sa sakit ng kaniyang tiyan. Ano ang iyong gagawin? Kung pag-iisipang mabuti, hindi nararapat na Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan.”
Explanation:
sorry
ang rame
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.