Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isa sa mga kinawiwilihang gawain ng mga Pilipino na nagsisilbing libangan.
a. pag-iyak
b. pagsasalita
c. panunuod
2. Ito ay isang popular na pinapanood ng mga Pilipino na kilala rin sa tawag na pinilakang tabing.
a. pelikula
b. pag-awit
c. pagsulat
3. Ang ganitong genre o uri ng pelikula ay nagbibigay aliw o kasiyahan sa mga manonood.
a. Drama
b. Komedya
c. Epiko
4. Umiikot sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula kadalasang gumaganap dito ay mga magka-love team.
a. Pantasya
b. Aksyon
c. Pag-ibig o Romansa
5. Ang mga nagsisipag-ganap sa isang pelikula ay tinatawag ding ________
a. Artista
b. Mananayaw
c. Manunula
6. Ang ganitong uri ng pelikula ay nagbibigay kaalaman tungkol sa kasaysayan.
a. Drama
b. Komedya
c. Historical
7. Ito ay pelikulang puno ng musika at kantahan.
a. Musikal
b. Horror
c. Pantasya
8. Alin sa mga sumusunod na ang pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa panonood.
a. Ang mga Pilipino ay hindi mahilig manuod.
b. Pelikula lamang ang maaaring panuorin.
c. Ang panonood ay libangan ng mga Pilipino na nagbibigay ng iba’t ibang emosyon.
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa pelikula.’
a. May iba’t ibang uri genre ang pelikula.
b. Hindi maaaring suriin o punahin ng manonood ang isang pelikula.
c. Walang nakukuhang aral kapag tayo ay nanunuod ng pelikula
10. Ang pag-uulat sa isang napanood ay maaaring pasalita at _________
a. Paawit
b. Pasayaw
c. Pasulat​