Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sumulat ng isang buod ng iyong paboritong pelikulang napanood. Sa pagbuo ng mga
alata gumamit ng kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay at magkakaugnay na pangungusap/talata).​

Sagot :

Answer:

Buod ng Pelikula ( Heneral Luna)

Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang pinutukan ng Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito, maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno nanagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas.

Explanation:

pabrainliest po thankyou and godbless u po!

Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.