Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong at dugtungan ang gabay na
pangungusap upang mabuo ang diwa.
1. Bilang isang tinedyer Nakita mo ang isang matanda na hirap sa pagtawid sa kalsada, ano ang gagawin mo?
2. Umalis ang iyong mga magulang, bilang nakatatandang anak, sa iyo ibinilin
ang mga nakababatang kapatid mo, nagpaalam sa iyo ang isa sa kanila na pupunta sa bahay ng kaibigan niya, papayagan mo ba siya?
3. May ibinigay sa inyong gawain ang guro, at aalis siya sandali dahil ipinatawag ng inyong Principal. Nakita mo na nagkokopyahan ang iyong mga kaklase, sasawayin mo ba sila o isusumbong mo na lang pagdating ng iyong guro? Ano ang iyong gagawin? At bakit?
4. Inaanyayahan ka ng kaibigan mo na dumalo sa kaniyang kaarawan, subalit marami ka pa na hindi nasasagutan sa mga modyul, kinakailangan mo na ito ay iyong matapos sapagkat ipapasa na. Ano ang iyong gagawin? Bakit?
5. Binigyan ka ng pera ng tito mo sapagkat kailangan mo na bumili ng cell phone na magagamit sa online class, subalit nagkasakit ang iyong kapatid at kinailangan ito na madala sa ospital. Ano ang iyong gagawin?Bakit?