IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
at_answer_text_other
at_explanation_text_other
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
1. Layunin: Nakkilala ang payak, tambalan at hugnayang pangungusap. Nakabubuo ng payak, tambalan at hugnayang pangungusap.
2. Mga bata…. Ako si Chloe! Maaari n’yo ba akong tulungang makapunta sa mama at papa ko? Samahan naman ninyo ako sa aking masayang paglalakbay patungo sa kanila. Na kung saan ang mga anyo ng pangungusap ang magsisilbing gabay sa ating paglalakbay patungo sa kanila.
3. Teka! Teka! Magdahan-dahan ka. Paalala bago ako gamitin, maayos mo itong sundin: 1. Linisin ang mga kamay bago ako hawakan. 2. Iwasang mabasa at mapunit ang aking pahina. 3. Huwag din akong susulatan o sisirain. 4. Higit sa lahat ibalik ako sa lugayrna pinagkuhanan.
4. Kamusta ka na? Handa ka na ba? Halina’t samahan ako sa aking paglalakbay at alamin natin ang iba’t ibang kayarian ng pangungusap. Tara na!
5. PRE-TEST: Andito ako ngayon sa Lolo at Lola ko. Wala sin Papa at Mama, malayo sila kailangan nila akong iwan dahil sa trabaho. Alam ko mahal na mahal ako nila, para sa akin naman kasi yun. Bihira kami magkita-kita… miss na miss ko na sila. At gusto ko isorpresa ko sila sa aking pagdating. Maari mo ba akong tulungan? Kailangan mo lang lumikha ng pangungusap gamit ang sumusunod na kayarian. a. Payak na pangungusap b. Tambalang pangungusap c. Hugnayang pangungusap
6. Natukoy mona ba ang kanilang kayarian? Kung gayon heto ang maaring kasagutan. a. Nagpunta sina Alma at Dang sa bahay-tindahan ng mga Bicolano b. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw c. Pagkatapos na magsayaw ang pareha, kumuha sila ng ibang
7. Ngayon, nakakasiguro na ako na handa ka nang matutunan kung paano malalaman ang mga kayarian ng pangungusap. Kung ito ba ay payak, tambalan o hugnayan. Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa. Ito ay malayang sugnay na may simuno at panaguri ngunit iisa pa rin ang diwa. Halimbawa: Nagpunta ang mga mag-aaral sa silid-aralan.
8. Paano mo naman malalaman kung kung ang pangungusap ay tambalan? Narito basahin at pag-aralan mo ang mga ilang halimbawa kung paano. Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ito ay ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit at o bilang pang-ugnay sa dalawang payak na pangungusap. at – ginagamit kung magkasimpantay o sing-halaga ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay. Halimbawa: Umaawit ang mga dalaga’t binata at sumasayaw sila ng Lubi-Lubi. ngunit – ginagamit kung magkasalungat o di-paris ang ideya. Halimbawa: Mahilig sa pagsasaya ang mga Bicolano ngunit may panahon din sila sa kanilang mga gawain. o – ginagamit kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad. Halimbawa: Sasayaw k aba o await ng “Lubi-Lubi?”
9. Narito naman kung paano ninyo makikilala ang hugnayang pangungusap. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa. Ginagamit na pang-ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat. Halimbawa: Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka. Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.