Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

sted
came
sto
Learning Activities
Inaasahang pagkatapos ng araling ito ay maiuugnay mo ang
iyong binasa sa sariling karanasan.
Ano nga ba ang kahulugan ng sariling karanasan?
Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay
nakaranas ng bagay na tinutukoy. O kaya ay pinagdaanan mo
talaga ang bagay na tinutukoy at hindi batay sa imahinasyon
lamang o sa buhay ng ibang tao.
Mayroong mga karanasan na maihahalintulad natin sa ating
nabasa sa iba't ibang uri ng babasahin. Paano nga ba maiuugnay
ang ating binasa sa ating sariling karanasan?
Basahin natin ang kuwento ng isang batang kahanga-hanga
ang katapatan sa kabila ng kahirapan,
Si Tinay Bugayon ay isang batang nagsauli ng perang
nagkakahalaga ng P300,000 na nahulog sa isang courier. Sa kabila
ng kanilang kahirapan, hindi siya nasilaw sa kinang ng pera bagkus
nangibabaw pa rin ang kanyang katapatan.
Naranasan mo na rin ba ang ginawa ni Tinay Bugayon? Sa
palagay mo, tama ba ang ginawa niya? Bakit? Anong kaparehong
karanasan ang maiuugnay mo sa binasang kuwento?
Sa pag-ugnay ng binasa sa sariling karanasan, maisasagawa mo
ito kung naunawaan ang kuwento o tekstong binasa at
maihahalintulad mo ang mga pangyayaring naganap sa iyong
sariling karanasan.
Mahalaga, kung gayon, ang pagkakaroon ng sensitibong
kamalayan o pagiging mulat sa mga pangyayaring ating
mararanasan upang maibalita natin nang tama at may sapat na
detalye ang ating mga nasaksihan.
May dalawang uri ng karanasang maaari nating paghanguan
ng ating mga kasagutan.
Una, ang direktang karanasan o aktuwal na karanasan.
Ikalawa, ang indirektang karanasan o vicarious experiences no
maaari nating maranasan sa pamamagitan ng pagbabas
pakikipanayam, panood ng pelikula, pagsasaliksik at iba pa.​