Mahalaga
ang pag-aaral sa ekonomiks lalo na sa mga mag-aaral at maging sa kasapi ng pamilya sa lipunan. Para sa mag-aaral ito ay mahalaga upang matutunan nila sa
maagang edad pa lamang ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na
yaman ng bansa upang mapamahagi ang iba't ibang serbisyo at produkto sa iba't
ibang pangkat ng lipunan ngayon at maging sa kinabukasan. Bilang kasapi ng
pamilya at lipunan naman ay upang mas lalo pang mapalawak ang kaalaman tungkol
sa ekonomiks upang magamit na ito sa aktwal na karanasan ng buhay sa hinaharap
o maging sa ngayon.