Answered

IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Anu-ano ang mga bansa sa kanlurang Asya ("LAHAT" ng bansa sa kanlurang Asya)

Sagot :

Ang Asya (Asia) ay isa sa pitong kontinente sa mundo. Ito ang pinakamalaki at ito ay nahahati sa iba’t ibang rehiyon na mayroong 48 na bansa sa kalahatan. Ang limang rehiyon ay ang sumusunod:


1. Timog-Silangang Asya o Southeast Asia

2. Silangang Asya o East Asia

3. Timog Asya o South Asia

4. Gitnang-Kanlurang Asya o Kanlurang Asya o Middle East

5. Gitnang Asya o Central Asia


Ituon muna natin ang atensyon sa Kanlurang Asya o Middle East. Narito ang mga bansa sa kanlurang asya at kabisera ng mga ito:


Armenia – Yerevan

Azerbaijan – Baku

Bahrain – Manama

Cyprus – Nicosia

Georgia – Tbilisi

Iran – Tehran

Iraq – Baghdad

Israel – Jerusalem

Jordan – Amman

Kuwait – Kuwait City

Lebanon – Beirut

Oman – Muscat

Qatar – Doha

Saudi Arabia – Riyadh

Syria – Damascus

Turkey – Ankara

United Arab Emirates (UAE)

Yemen – Sanaa


Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng labing-walong bansa. Ito ang may pinakamraming bansa sa limang rehiyon ng Asya. Sa 18 na ito, ang pinakamalaki ay ang Saudi Arabia at ang Iran. May tinatayang kabuuang sukat ang rehiyong Kanlurang Asya na umaabot na 6,811,000 km².


May mainit na temperature ang kalahatan ng Kanlurang Asya. Ito ay umaabot sa 46 °C. Sa rehiyong ito matatagpuan ang malalawak na disyerto tulad ng Arabian Desert, Syrian Desert, at Negev Desert.


Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kabuuan ng asya, maaaring i-click ang link na ito:

https://brainly.ph/question/11355

Oman,israel,jordan,azerbaijan,bahrain,iraq,saudi arabia, armenia, Georgia, Cyprus, turkey, qatar, yemen, kuwait, syria, lebanon, united arah emirates, iran