Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng
nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa
buhay ng pangunahing tauhan samantalang ang alamat naman ay nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang mga tauhan, gawi at karakter ng alamat ay nakakamangha at hindi likas para sa isang tao samantalang sa maikling kwento naman ay hango likas na gawi ng totoong tao.