Sagot :

Answer:

REYALIDAD NG LIPUNAN

Reyalidad sa lipunan

pano nga ba nakakayanan

na hindi magsalita

at magbigay opinyon sa iba

Kapansin pansin ang kaguluhan

At laganap ng krimen

Na tila ang gulo ay di maintindihan

Mga walang paki alam at nag bubulag-bulagan

Reyalidad ang sisira sa lipunan

Mga nakakataas pa ang pasimuno ng lahat

Imbes na ituon ang atensyon sa paggawa ng mga resolusyon

Ayon! Nasisilaw sa malaking halaga ng pera at nangunguna sa korapsyon

Panahon na rin siguro upang gumising ka

Bumangon at makilahok na

Di naman kailangang makibaka at magwelga

Sapat nang sa lipunan ay may pakialam ka.

PAGKAKAISA

Mga kalamidad sa buhay nagawang lampasan

Gaano man ito kahirap, di tinakasan

Paniniwala sa maykapal Ang ginamit na sandata

Idinagdag pa Ang napatunayang pagkakaisa

Isang pandemya Ang sumusubok sa kasalukuyan,

Buong mundo'y kinakalaban, walang kinakatakutan

Hindi mawari Kung hanggang kailan Ang katapusan

Sapagkat di na kapit-bisig, di tulad noong nakaraan

Nawa'y unahin na muli Ang problemang nakakasawi

Isantabi Muna Ang usapang sari-sari

Makiisa sa pagtutulungan, wag puro karangalan

May panahon para diyan pero di nga lang klaro Kung kailan.