Ang Hari ay may kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang hari, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol ng Budhismo sa Thailand.Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.