Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
____1. Samahan na nangangampanya sa mga mambabatas upang
makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang
kababaihang Indian.
a. Women’s Indian Association c. National Assembly
b. Indian Factory Act d. Anti-Price Rice Front
____2. Ito ay itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa
bansang Bangladesh.
a. CEDAW c. Mahila Parishad
b. Collective Women’s Platform d. Women Connect
____3. Siya ang nanguna sa Jordan sa kampanya laban sa pang-aabuso sa
kababaihan.
a. Sheikha Fatima Bint Mubarak c. Zulfiqar Ali Bhutto
b. Reyna Rania Al-Abdullah d. Employed Women
____4. Ito ay isang pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng
kababaihan tungkol sa kanilang dapat na taglaying mga karapatan. Ito ay sa
pamamagitan ng pagkilos ng kababaihan sa Egypt, Jordan, Lebanon,
Palestine, Qatar, UAE, at Yemen.
a. Women’s Coalition c. Arab Women Connect
b. Collective Women’s Platform d. CEDAW
____5. Ito ang taon ng eleksyon na nagkaroon ng pagkakataon ang
kababaihan sa Sri Lanka na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga
isyung ito ay may kinalaman sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila.
a. 1994 c. 1996
b. 1995 d. 1997