Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

paano nakamit ni carlos p romulo ang tagumpay?​

Sagot :

Answer:

Si Carlos P. Romulo ang unang Asyano at hindi puting pangulo ng

Pangkalahatang Asemblea at Konsehong Panseguridad ng United Nations.

Isinilang si Romulo noong Enero 14, 1899 sa Camiling, Tarlac. Nagtapos

siya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1918 nang may titulong Batsilyer sa

Arte. Natapos ni Romulo ang kanyang titulong Masters noong 1921 sa

Unibersidad ng Columbia. Iginawad sa kanya ang Doctor of Laws, Honoris

Causa mula sa Unibersidad ng Athens, Greece.

Siya ang aide-de-camp ni Heneral Douglas MacArthur sa Bataan at

Corregidor. Sinamahan niya si General MacArthur at ang mga puwersang

tagapagpalaya sa pagsalakay sa Leyte at pagkaraa’y sa pagbawi sa Maynila.

Ginawa din siyang U.S. Army Brigadier General dahil sa lahat ng kanyang

nagawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging pangulo siya ng

Pangkalahatang Asemblea ng United Nations. Naging kalihim din siya ng

Deparment of Foreign Affairs ng Pilipinas noong 1950s hanggang sa huling

bahagi ng 1970s.

Naging kasapi din si Romulo ng Lupon ng Rehente ng Unibersidad ng

Pilipinas noong 193? – 1941. Ang Lupon ng Rehente ang pinakamataas na

pangkat na lumilikha ng patakaran sa Unibersidad Pilipinas. Ito rin ang pangkat

na nagpapasiya kung aling pangangailangan o proyekto ang dapat bigyang

pansin ng unibersidad. Naging Pangulo din siya ng Unibersidad ng Pilipinas at

pagkaraa’y Kalihim ng Edukasyon.

Explanation:

I'm new here po correct me nlang po if I'm wrong