Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Nasa 4.6 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Hulyo batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority.
“Ten percent o 4.6 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million,” sabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press briefing.
Nasa 10 porsiyento ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo, bumuti kumpara nuong Abril dahil sa pagluwag ng quarantine protocols. Noong Abril, nasa 17.7 porsiyento ang unemployment rate ng bansa o katumbas ng nasa 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho.