Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Palubog na ang araw.Tahimik na gumagawa ang lahat ng nilalang sa kaharian ni Haring Neptuno.
Biglang dumating si Pating, ang lider sa puwersang militar ng mga nilalang sa dagat.
"Haring Neptuno, nakakita ako ng dalawang bangka na maraming lulang mangingisda. May dala silang
mga dinamital Papunta sila sa gawing ito." pag-uulat ni Pating.
"Ano? Dali! Ipunin lahat ng nilalang sa dagat at dalhin sa ligtas na lugarl" utos ni Haring Neptuno.
Tinipon ni Pating ang lahat at dinala sa kanilang taguan.
"Kawawang mga nilalang ng dagat! Mawawalan na sila ng pagtataguan pagdating ng panahon kung
magpapatuloy ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita. Baka mamatay tayong lahat."pagdadalamhati ni
Pating.
Samantala, sa hindi kalayuan, naliligo si Tulingan at ang kaniyang anak. Wala silang malay sa
nakaambang panganib.Nasalubong nila si Talakitok.
"o, pinsang Tulingan, mukhang masaya kayong lumalangoy." yan ang nasabi ni Talakitok. "Ang laki
mo na!” pagbati ni Talakitok. "Oo, pinsang Talakitok. Dadalhin ko ang anak kong si Tuling sa ilang
magagandang lugar kung saan maaari siyang lumangoy. O sige pinsang Talakitok. Magkita na ing tayo uli."
tugon ni Tulingan.
"Sige, pinsang Tulingan. Mag-ingat ka,"paalala ni Talakitok.
"Salamat, pinsang Talakitok. Dali ka, Tuling. Pumunta tayo roon, "sabi ni Tulingan.
Inang, tignan mo po! May mga nalalaglag na mga
bagay, ano po ang mga iyon?" tanong ni Tuling.
"Huwag na huwag mong lalapitan ang mga iyon. Dali ka Tuling, basta sumunod ka sa akin." Babala ni
Tulingan.
Hindi kaagad sumunod si Tuling sa kaniyang nanay. Hindi niya mapigilang lapitan ang bumabagsak na
mga bagay.
"Ano ito? Para saan kaya ang taling ito?" sabi ni Tuling sa sarili.
Napansin ni Tulingan na wala nasa likuran niya si Tuling. "Nawawala si Tuling!" Saan siya nagpunta?
Dapat akong bumalik at hanapin siya." sabi ni Tulingan sa sarili.
Pabalik na si Tulingan nang magulat siya sa isang malakas na pagsabog.
"Nakul Doon nagmula sa pinanggalingan namin ang pagsabog. Baka doon naiwan si Tuling! Tuling!
Anak ko!" paiyak na nasabi ni Tulingan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang nangyari kay Tulingan at sa anak niyang si Tuling?
2. Paano sinisira ng dinamita ang dagat at mga nilalang na namumuhay dito?
3. Paano nakaaapekto sa sangkatauhan ang pagkawasak ng mga yamang-tubig?​

Sagot :

Answer:

diko po yan alam eh sorry

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.