Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Answer:
1. KRUSADA:
Hindi lubusang nagtagumpay ang mga krusada,ngunit marami mabuting naidulot ito, nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nila ang mga produkto ng Silangan tulad ng pampalasa, mama-haling bato, pabango, sedang tela, porselana,prutas at iba pa na nakabighani sa mga Europeo
2. PAGLALAKBAY NI MARKO POLO
Ang mga nakita ni Marco Polo na magagandang kabihasnan sa mga bansang ito ng Asya lalo na sa China, na inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito
3. MERKANTILISMO
Sa Europa umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan. Ang pamamaraan sa pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad kaya ito’y nagdulot ng malaking kita sa mga bansang Europeo.
4. RENAISSANCE
Isa itong kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Sa panahong ito’y natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, pamahalaan, edukasyon, wastong pag-uugali at paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal.
Your welcome!