Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Gawain 1:

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.

Biktima ng Bagyong Yolanda ang magkakapatid na Mario, Mark at Martin. Ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan noong Nobyembre 2013.

Nawasak ang tahanan ng kanilang pamilya at mga pananim. Dahil din sa bagyong ito, inatake sa puso ang kanilang ama at pumanaw ito. Nasa Maynila ang kanilang ina noong nangyari ang bagyo kung kaya napadalhan agad sila ng tulong. Lumuwas sila sa Maynila at mainit naman silang tinanggap ng pamilya ng kanyang ina. Kaagad na nanawagan ng tulong ang kanilang ina sa mga telebisyon at radyo at kaagad namang nakahanap ng mga may mabuting kalooban na tumulong sa mga

kababayan nila na nasalanta din ng bagyo. Bumalik ang magkakapatid sa Leyte upang maihatid ang tulong na nakalap nila ditto sa Maynila.

Kasabay ng pagbabalik sa kanilang nawasak na tahanan ang pag-asa na muling pagbangon mula sa hagupit ng bagyo sa tulong ng mga kababayang hindi nagkait ng kanilang makakaya upang maibahagi sa mga kapwa Pilipino sa Leyte.



Mga Tanong:

1. Anong kaganapan ang sumubok sa pamilya nina Mario, Mark at Martin?

2. Paano tinanggap ang magkakapatid ng pamilya ng kanilang ina sa Maynila?

3. Ano ang ginawa ng pamilya nila upang makalap ng tulong para sa kanilang mga kababayan?

4. Paano nabuo ulit ang pag asa ng kanilang pamilya?

5. Anu-anong mga kanais nais na kaugaliang Pilipino ang natutunan mo sa kwentong ito?​

Sagot :

Answer:

  1. bagyong yolanda
  2. mainit na tinanggap
  3. nanawagan
  4. kasabay ng pagbalik sa kanilang nawasak natahanan ang pag-asa na muling bumangon
  5. matulungin ,mapag bigay,mabait

Cary on your learning#

i hope it helps# thanks

pa brainlist po pls

Answer:

1.Biktima sila ng Bagyong Yolanda at pumanaw ang kanilang tatay.

2.Mainit silang tinanggap ng pamilya ng kanyang ina.

3.Nanawagan sila ng tulong sa mga telebisyon at radyo.

4.Mula sa hagupit ng bagyo sila ay muling bumangon.

5.Lagi tayong magtulungan sa oras ng sakuna katulad nalamang ng bagyo,lindol at iba pa.

Sana makatulong...