IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano po ang buod ng "Ang Tusong Katiwala" ???

Sagot :

Ang Tusong Katiwala  

Buod:

May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di kalaunan ay nalaman ng kanyang amo ang kanyang panglulustay na ginagawa, Sinabihan siya ng kanyang amo na aalisin na sa kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay kaylangan muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa.Naging problema iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panglulustay na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang amo.mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho lamang na gusto niya ay ang maging katiwala ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip siya ng tusong paraan. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali man na masesante siya ay mayroon man lamang na tatanggap at magpapatuloy sa kaniya.At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng katiwala.

Pahiwatig ng Ang tusong katiwala

Ang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo,maging ang mga taong may pagkakautang dito ay idinamay pa niya,marapat lamang na hindi sya tularan siya ay isang masamang impluwensya.

Ang Tusong katiwala ay isang Parabula sapagkat ang kuwento ay hango sa banal na kasulatan, Ang mga detalye maging ang mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan ang binibigyang diin ay ang aral sa kuwento.Ito ay naglalahad at naglalarawan sa tunay na nagyayari sa mundo.

Tauhan sa parabulang Ang Tusong Katiwala  

  1. Katiwala
  2. Ang amo ng katiwala

Elemento ng Parabula

  • Tauhan
  • Tagpuan
  • Aral
  • Banghay

Buksan para sa karagdagang kaalaman

https://brainly.ph/question/132460

https://brainly.ph/question/399261

https://brainly.ph/question/141074