Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:
1. Hambingang Pasahol - May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa /kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari.
Di-gasino - tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Di-gaano - tulad ng tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.
Di-totoo -nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang url. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
2. Hambingang Palamang - may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.
Higit/mas...kaysa/kaysa sa/kay - sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis -tulad din ng higit o mas
Halimbawa : Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak -kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/katamtaman - Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.