Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

pagkakatulad ng heograpiyang pantao at pisikal

Sagot :

Answer:

Heograpiya  

Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Pagkakatulad ng heograpiyang pisikal at pantao

  • Ang heograpiyang pisikal at pantao ay parehong dalawang sangay ng heograpiya.
  • Ang heograpiyang pisikal at pantao ay parehong naglalarawan at nagpapaliwanang ng mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran o kalikasan.

Dalawang Sangay ng Heograpiya

1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)

Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal

  • Klima
  • Heolohiya (Geology)
  • Biolohiya (Biology)  
  • Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.

2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.  

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao

  • Wika
  • Relihiyon  
  • Lahi  
  • Pangkat-etniko
  • Medisina
  • Ekonomiya
  • Politika
  • Mga Lungsod
  • Populasyon
  • Kultura

Para sa karagdagan kaalaman, magtungo sa link na:  

Kahulugan ng Heograpiya: brainly.ph/question/59176, brainly.ph/question/337842  

Mga Bumubuo ng Heograpiya: brainly.ph/question/598425

#LetsStudy

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.