Ang pagtanim ng palay, mais at iba pang maaring ipunla sa lupang sakahan ay habitwal na ginagawa ng magsasaka tuwing tag-ulan. Ang pag-ulan ay mainam para yumabong ang mga naipunla.
Tuwing tag-araw naman, ang mga tao'y nagdagsaan sa tabing-ilog o tabing dagat upang maligo. Kadalasan, ang panahon ng tag-init ay panahon din ng pag-ani ng mga tropikal na mga prutas o mga tropikal na pananim.