Ang mga magulang ay walang hinangad na masama para sa anak. Ito ang kadalasang isinasagot ng mga magulang kapag binabatikos ang kanilang mga desisyon patungkol sa kanilang mga anak. Mayroon silang tinatawag o ginagawang mga personal na batas upang mas lalong magabayan ang kanilang mga anak. Karamihan sa mga ito ay ang mga ipinagbabawal ni tatay at nanay na akala nating mga anak ay isang uri ng parusa sapagkat hindi tayo pinabibigyan sa ating mga kagustuhan. Lingid sa ating mga kaalaman, ay ang katotohanang lahat ng ginagawa at ipinagbabawal ng mga magulang sa kanilang mga anak ay para sa magandang kinabukasan nila.