Ayon sa Alamat na pinamagatang " Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto", noong unang panahon , ang mga tao sa kabundukan ay biniyayaan ni Bathala ng isang punong namumunga ng ginto , ngunit sinuway ng mga katutubo ang utos niya na huwag ito kailanmang puputulin , ngunit dahil sa hindi nakuntento ang mga taong ito , ito ay pinutol nila sa paniniwalang nasa loob ng katawan ng puno ang marami pang ginto.. Ngunit ng pinutol nila ang kahoy , nagalit si Bathala at ito ay binawi niya sakanila , sinabi niya na " ang gintong dapat sana'y mapasainyo ay mananatiling nasa ilalim ng lupa . Hindi ninyo makikita iyon hangga't hindi niyo pinaghihirapang kunin." Kaya hanggang ngayon , ang mga ginto ay pinaghihirapang kunin sa ilalim ng lupa ng mga minero .