IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang konotasyon at denotasyon na kahulugan ng: takipsilim kotseng kumikinang naalimpungatang natutulog magkasalikop ang kamay apoy sa impiyerno

Sagot :

Answer:

  • Takipsilim

Denotasyon: dapithapon, papalapit na ang gabi

Konotasyon: nalalapit na pagpanaw ng isang tao dahil sa tumatanda na ito

  • Kotseng kumikinang

Denotasyon: bagong bili, bagong linis, bagong modelo, maganda, makinis at mamahaling sasakyan

Konotasyon: kapansin-pansin ang napakakinang na pisikal na anyo ng kotse

  • Naalimpungatang natutulog

Denotasyon: biglang nagising habang natutulog

Konotasyon: nagising mula sa isang mahimbing na pagkakatulog at malalim na pag-iisip.

  • Magkasiklop ang kamay

Denotasyon: magkahawak ang kamay

Konotasyon: taong may angking lakas ang loob

  • Apoy sa impyerno

Denotasyon: init ng apoy na mayroon sa impiyerno

Konotasyon: paghihirap ng mga taong nagkasala o mga makasalanan, walang hanggang pagdurusa

Ano ang denotasyon at konotasyon?

  • Denotasyon - ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo at literal o totoong kahulugan ng isang salita.

Halimbawa:

  1. Pulang Rosas – uri ng rosas na kulay pula  
  2. Ginto – isang uri ng metal na kumikinang at malleable; ginagamit ito sa mga palamuti (jewelry) at barya

  • Konotasyon -ito ay ang pansariling kahulugan ng isang tao o grupo ng tao sa isang salita, ang kahulugan nito ay iba sa pangkaraniwang kahulugan .

Halimbawa:

Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig  

Gintong Kutsara – mayaman o maraming pera ang pamilya

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:

Mga Halimbawa ng Konotasyon at Denotasyon: brainly.ph/question/92657

#BetterWithBrainly