Isa sa mga kilala at madalas marinig na salawikain ay ang "Anak na 'di paluhain, ina ang patatangisin." Sumasalamin ito sa relasyon sa pagitan ng anak at magulang.
Nangangahulugan itong kung ang isang anak ay nabuhay sa labis na layaw at hindi nakatikim ng maayos na pagdidisiplina, malaki ang posibilidad na siya'y maging anak na magpapahirap sa kanyang magulang. Kung ang isang anak ay hindi man lang nakaranas ng dusa at luha at minsa'y ang kanyang kamalian ay binabalewala ng magulang, hindi nito malalaman kung saan niya itutuwid ang pagkakamali na maaaring magdala sa kanya sa panganib. Kung mapagtanto man ng magulang na nadako na sa maling landas ang anak,maaaring nasa punto ito na huli na ang lahat.,