Isang malaking suliraning panlipunan ang
kakapusan sapagkat ito ay nararanasan ng mga mamamayan na siyang pokus at
sentro sa isang lipunan. Nagiging problema ito sapagkat kadalasan ito ang
pangunahing dahilan at nagtulak sa mga mamamayan ng gumawa ng mga hindi
kanais-nais na mga krimen . Ang ganitong pangyayarin ay kinamulatan ng
karamihan sa ating mga kabataan. Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral o
kaya'y nalulong sa masamang bisyo at naging pabigat na sa lipunan dahil na rin
sa kakapusang dulot nito.