Ang salawikain, sawikain at kasabihan ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat ng bansa sa mundo. Ito ang mga panitikang sumasalamin sa magkapareho at magkasalungat na paniniwala ng iba't ibang bansa. Sa mga panitikang ito naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino.