Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Alegorya ng Yungib:
Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao na matatagpuan sa loob ng kweba na nakatali at nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay may apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na siya ay makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng kweba.
- Mensahe:
Ano nga ba ang nais iparating ni Plato sa kanyang sanaysay na "Alegorya ng Yungib"? Nais ipabatid ni Plato na ang karunungan ay matatamo lamang kung sisikapin ng tao na pangatwiranan ang mga konsepto ng mga bagay bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito sa mundo. Tulad ng tao sa loob ng yungib, kinakailangan na tayo ay kumawala sa pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula sa kwebang ating kinaroroonan. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga anino na nakikita natin mula sa labas ng kweba. upang maunawaan ang mensaheng ito, kinakailangan na maunawaan natin ang kanyang konsepto ng rasyonalismo.
- Kahalagahan:
Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng Yungib?" Sa pagnanais ni Plato na maunawaan ng tao ang kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit niya ang sanaysay na ito upang ihalintulad ang mga tao sa tao sa yungib na pilit na kumakawala upang makita ang realidad sa labas ng yungib. Nais niya na makita ng mga tao ang kaibahan ng mga anino na nakikita ng taong sa yungib sa loob na nagmumula sa labas at ng mga totoong bagay sa labas ng yungib na lumilikha ng mga anino sa pamamagitan ng apoy na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa loob ng yungib. Sapagkat ito ay isang alegorya, hayaan ninyo na isa - isahin ko ang mga simbolismong ginamit ni Plato.
- Simbolismo:
Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo na humahadlang sa tao para makita ang realidad o ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Ang apoy sa likuran ng tao sa yungib na nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga karunungang natatamo ng tao dito sa mundo. Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo ngunit hindi ang kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng yungib. Sa oras na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang nila matatamasa ang kabuuan ng karunungang natamo.
- Depinisyon:
Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang pangangatwiran ang siyang pinagmumulan at basehan ng karunungan. Ayon kay Plato, kinakailangan na magkaroon ang tao ng basehan ng kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang sa pamamgitan ng paglabas sa yungib na kanyang kinaroroonan. Patunay lamang na ang personal na karanasan ay mahalaga sapagkat ito ang matibay na batayan ng pagkatuto higit sa karunungan na natamo sa pagbabasa at pagmumuni muni lamang.
Upang lubos na maunawaan ang kwento ng alegorya ng yungib, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/406231
https://brainly.ph/question/127911
https://brainly.ph/question/131899
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.