Isa sa malinaw na kaugalian ng kwentong "Naging Sultan si Pilandok" ay ang malaking pagtitiwala nila sa kabilang buhay na binubuo daw ng kanilang mga pumanaw na mga ninuno. Pinapaniwalaang ang mga namatay na ninuno ay matatagpuan sa ilalim ng dagat at kailangang pumunta doon upang mabiyayaan ng hindi mabilang na mga kayamanan.