Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng pagbigay larawan ng mga dapat at di dapat mabatid ng tao sa kanyang kalikasan. Inihalintulad niya ang tao sa isang tau-tauhan sa isang tabing ng tanghalan kung saan ito'y parang nakakadena at di mamakilos.
Nagiging positibo ang pananaw ng sanaysay dahil sa mga inilathalang mga larawan ng mga totoong pangyayari ng lipunan kung ang kamang-mangan ang umiiral sa isang lipunan.
Ipinahihiwatig sa sanaysay na ito na ang tao ay madaling mamanipula ng isang pinuno kung sila ay walang lakas na makita ang katotohanan at kulang sa edukasyon.