Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ano ang kahulugan ng tungkulin

Sagot :

Tungkulin:

Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.

Kahulugan ng Tungkulin: https://brainly.ph/question/179303

Iba’t – Ibang Tungkulin :

  • Tungkulin sa Sarili
  • Tungkulin Bilang Anak
  • Tungkulin Bilang Kapatid
  • Tungkulin Bilang Mag – aaral
  • Tungkulin sa Pamayanan
  • Tungkulin Bilang Mananampalataya
  • Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya
  • Tungkulin sa Kalikasan

Ang tungkulin sa sarili ang pinakauna sa lahat sapagkat magiging mahirap para sa isang tao na gampanan ang kaniyang tungkulin sa iba kung hindi niya nagagampanan ang kaniyang tungkulin sa kaniyang sarili.  

Mga Bagay na Dapat Bigyang Pansin sa Pagtupad ng Tungkulin sa Sarili:

  • pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagbibinata o pagdadalaga
  • pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
  • makabuluhang paggamit ng mga hilig
  • Ang tungkulin bilang anak ay ang igalang, mahalin, at pagkatiwalaan ang pamilya.  

Ang tungkulin bilang kapatid ay ang pakitunguhan siya o sila ng mabuti na magtutulak din sa taong ito na maging mabuti sa kaniyang kapwa.

Ang tungkulin bilang mag – aaral ay paggawa ng mga bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag – aaral.  

Mga Gabay sa Pagtupad ng Tungkulin Bilang Mag – aaral:

  • mag – aral ng mabuti
  • magkaroon ng matinding kagustuhan na matuto
  • pataasin ang mga marka
  • pagyamanin ang kakayahang mag – isip
  • matutong lumutas ng mga pansariling problema
  • makibahagi sa mga gawaing pampaaralan

Ang tungkulin sa pamayanan ay binubuo ng mga sumusunod:

  • pangangalaga sa isang maayos at malinis na pamahalaan
  • pakikibahagi sa mga gawaing pampamayanan  
  • pagkukusa sa paglilingkod sa pamayanan
  • pagiging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang kasapi ng pamyanang kinabibilangan
  • pagiging matapat sa pamayanang kinabibilangan
  • pakikibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kapag kinakailangan
  • pagsali sa mga samahan na pangkabataan upang maging mabuting pinuno at tagasunod
  • pakikibahagi sa kampanya sa pagtulong sa paaralan, pamahalaan, at samahan sa kanilang mga proyekto

Mga Uri ng Tungkulin: https://brainly.ph/question/785038

Mga Halimbawa ng Tungkulin ng Tao:

  1. Tungkuling pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan anuman ang kaniyang kasarian, pinagmulan, katayuan sa buhay, edad, lenggwahe, relihiyon, at lahi.
  2. Tungkuling pagsikapan na mapangalagaan ang kaniyang diginidad at pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa.
  3. Tungkuling gumawa ng mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng pagkakataon.
  4. Tungkuling maging mapanagutan sa pamilya, lahi, lipunan, bansa, relihiyon, at sa lahat.
  5. Tungkuling igalang ang buhay.
  6. Tungkuling kumilos ng may katapatan, integridad, at makatarungan.
  7. Tungkuling maging masikap sa pakikibaka sa kahirapan, gutom, kamangmangan, at diskriminasyon.
  8. Tungkuling paunlarin ang kakayahan sa pamamagitan ng masikap na paggawa.  
  9. Tungkuling kumilos at magsalita ng may katapatan.
  10. Tungkuling mag ulat ng tapat at wasto.
  11. Tungkuling umiwas sa mga pahayag na may kaugnayan sa pagkiling at diskriminasyon sa pananampalataya.
  12. Tungkuling ipakita ang paggalang sa isa’t isa ng bawat lalaki at babae.
  13. Tungkulin ng mag asawa na alagaan ang bawat isa.
  14. Tungkulin ng mag asawa na magplano ng pamilya.

Mga Halimbawa ng Tungkulin ng Tao: https://brainly.ph/question/140437