Sagot :

Dati, 240 milyong taon na ang nakalipas, mayroon lamang isang super continent na kung tawagin ay Pangaea at napapaligiran ng Karagatang Panthalassa. Ngunit pagkalipas ng 40 milyong taon ay nagsimula itong mahati sa dalawa, ang Laurasia sa hilagang hemispero at Gondwana sa timog hemispero. Pagdaan ng humigit kumulang 100 milyong taon ay patuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan at maging sa kasalukuyan ay ganoon din.