Ang Alegorya ng Yungib ay isinulat ni Plato. Makikita
mo dito ang pilosopiyang pinagbabatayan niya. Higit mong makikilala at
malalaman ang taas ng kanyang karunungan. Ito ay tungkol sa dalawang taong
nag-uusap, si Glaucon na kapatid ni Plato at ang marunong na si Socrates. Ang
alegoryang ito ay nakatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw upang magkaroon ng
kaalaman at kamalayan sa kaugalian ng isang bansa.