Ang mga bansang may klimang tropikal ay matatagpuan malapit sa ekwador at nahahati sa pagitan ng tag-ulan at tag-init na panahon. Ilan sa mabuting naidudulot ng ganitong uri ng klima ay sa aspetong pag-agrikultura kung saan nagkakaroon ng sapat na init at lamig o tubig na kailangan ng pananim upang mabuhay subalit hindi maganda ang epekto ng sobrang ulan at sobrang init sa mga bansang tropikal. Ang sobrang init na karaniwang nararanasan kapag tanghali ay lubhang mapanganib sa mga tao gayundin ang sobrang ulan.