Isang malaking suliraning panlipunan ang kakapusan sapagkat ito ay nararanasan ng mga mamamayan na siyang pokus at sentro sa isang lipunan. Nagiging problema ito sapagkat kadalasan ito ang pangunahing dahilan at nagtulak sa mga mamamayan ng gumawa ng mga hindi kanais-nais na mga krimen . Ang ganitong pangyayarin ay kinamulatan ng karamihan sa ating mga kabataan. Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral o kaya'y nalulong sa masamang bisyo at naging pabigat na sa lipunan dahil na rin sa kakapusang dulot nito.