Ang manta o mantle ay nagsisilbing takip ng mga buhay sa mundong ibabaw laban sa pinakamainit na kaibuturang bahagi ng daigdig habang ang plate naman ng daigdig ay mahalaga din sa pagkakayari ng mga magagandang anyong lupa. Ang aksyon at reakson ng pagkilos ng plate ng daigdig tulad ng paglipat ng malakas na presyur sa karagatan ay nagiging dahilan ng pagkatatag ng mga malalakas at matatayog na anyong bato o rock formations.Ito ay isa lamang sa mga kahalagahan ng plate ng daigdig.