Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

sampung halimbawa ng kasabihan at kahulugan nito?

Sagot :

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kasabihan at ang kahulugan nito:

- Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit
 ------- Lahat ay gagawin ng taong nangangailangan ng pera kahit masama, nakakasakit man sa iba o labag sa kanyang mga paniniwala.

-Kahit saang gubat ay maroong ahas
---------- Bawat sulok o lugar ay mayroong mga traydor, mga tipong mabubuti sa harapn ngunit sinasaksak ka sa likuran

-Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin
---------- Kung gumawa ka ng kabutihan ay gagawan ka rin ng kabutihan ng iyong kapwa ganundin kapag masama ang iyong ginawa sa kapwa.

-Kung ano ang puno siya rin ang bunga
______ Kadalasan itong tumutukoy sa mga mag-ama o mag-ina, kung ano raw uri ng tao ang tatay o nanay ay ganoon din ang kanilang maging anak.

-Kung hindi ukol, hindi bubukol
---------- Kung hindi para ang isang tao o bagay kahit anong gawin mo ay hindi ito mapupunta sa iyo.

-Magkulang ka na sa iyong mga magulang huwag lang sa inyong biyenan
---------- Sinasabing mas mapagpatawad ang mga magulang sa mga anak kaya magkamali ka na sa magulang wag lang sa biyenan sapagkat mas mahigpit pa ang mga biyenan kaysa magulang

- May tainga ang lupa may pakpak ang balita
---------- Mag-ingat sa lahat ng bibitawang salita dahil maraming mga nakikinig at nagbabalita ng tsismis sa kung saan saan lang.

-Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa
--------- Basta't magsisikap ka lang at maging matiyaga siguradong pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa

-Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy
-------Kahit anong unos pa ang danasin ng mga magkasintahan kapag itutulot ng Diyos , sa kasalan din mauuwi ang matagal na samahan

-Kung sino pa ang pumutak, siya ang nanganak
------Kadalasann kung sino pa itong maingay at maraming sinasabi, sila pa itong mali at dapat pagsabihan.