Ang paksa ng Alegorya ng Yungib ay ang epekto ng
edukasyon at kakulangan nito sa lipunan. Inilalahad din dito ang
kamangmangan ng tao at ang kawalan nitong makita ang katotohanan at
karunungan.Ang mga paraan ng pagmamanipula ng mga pinuno na kulang sa
pilosopikong kaisipan ay inilalarawan din sa sanaysay na ito.
Isinalintulad dito ang lipunan na parang tabing na pinagtatanghalan ng
mga tau-tauhan o mga papet kung saan ang mga mangmang na mamamayan ay
prang taong nakakadena at hindi makakakilos.