Nagdulot ng panganib sa
kapaligiran ng bansang Malaysia ang mga interbensyon ng tao. Ang agrikultura, palagubatan at urbanisasyon
ay naging kontribusyon sa pagkasira ng gubat, bakhawan at ang ilang mga paunlad
na ecosystem. Ang anyong lupa at
tirahan ng mga buhay hayop at halaman ay nabago kasabay sa pag-unlad ng tao.
Ilan sa mga pagbabagong ito ay ang pagpapatayo ng gusali at paggawa ng kalsada
at iba pang impastraktura. Dahil sa mga pagbabagong ito, nagdulot ito ng polusyon
sa hangin at greenhouse effect.