Isa sa pagkakahawig ng kulturang Pilipino at Rome sa Cupid at Psyche ay ang malinaw na pagpapakita ng hindi pagkakaintindihan agad ng manugang at ng nanay ng napangasawa nito gaya ni Venus kay Psyche. Kadalasan, mayroong ganitong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng asawa ng anak at ng nanay nito dahil na rin sa Pilipinong kultura ng pagiging malapit sa pamilya dahil nagkakaroon ng agawan o selosan sa pagitan ng manugang at ng mother-in-law sa simula pero katulad ng kwento nina Cupid at Psyche, kalaunan ay nagiging maayos din ang lahat.