Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Answer:
"Mapuputing kamay, malasutla't lambot,
Kung hinahawi mo itong aking buhok,
Ang lahat ng aking dalita sa loob
Ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulakak na nangakabuka
Ang iyong daliring talulot ng ganda,
Kung nasasalat ko, O butihing sinta,
Parang ang bulakiak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
May puyo sa gitna paglikom sa loob;
Magagandang kamay na parang may gamut,
Isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi't mabait
Na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
Ito'y bumubuka sa isa kong halik
At sa aking pisngi at napakatamis
Ang sabi sa k'wento, ang kamay ng birhen
Ay napababait ang kahit salarin;
Ako ay masama, nang ikaw'y giliwin,
Ay nagpakababait nang iyong haplusin."
Explanation:
sana po makatulong :)