IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
AnsweKatangian ng Pamilyang Koreano
Natatangi ang buhay pamilya sa Korea. Ang mga migranteng kasal sa Koreano na nakakaunawa sa katangian ng pamilyang Koreano ay mas madaling makibagay sa kanilang bagong pamilya, at maunawaan ang kultura sa Korea. Magkakaiba ayon sa pamilya at rehiyon ang kultura ng bawat pamilya. Gayunpaman, ang kultura ng Korea ay base sa Confucianismo. Ang kultura ng pamilya ng Korea ay may pagkakahalintulad sa mga bansang sakop ng kulturang Confuncianismo, subalit mabilis ang ipinagbago nito sa pagsulong ng industrialisasyon.
Relasyon sa Pamilya
Ang isang pamilyang nagkakasundo ay kasing halaga ng kaligayahan ng bawat miyembro ng pamilya.
Mahalaga sa loob ng pamilya ang herarkiya. Dapat turuan ang mga bata na rumespeto sa mas nakatatanda at magalang na ipahayag ang kanilang mga opinyon. Laging itinuturo sa mga kabataan ang paggalang sa mga magulang, lolo at lola, at iba pang nakakatandang kamag-anak.
Sa ibang sitwasyon, may mga matatandang anak na kasamang nakatira at nagbibigay ng suporta sa kanilang mga matatandang magulang, ngunit sa kasalukuyan ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga matatandang magulang na bumubukod ng tirahan at sariling itinataguyod ang kanilang sarili, kasama ang kanilang asawa.
Ang pagkakaiba-iba ng pamilya ay patuloy na nagbabago dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagkakaroon ng iba’t ibang lipunan at pagbabago ng kamalayan, at iba pang mga kadahilanan. Patuloy na tumataas ang bilang ng pagtanggap sa indibidwal at panlipunan na pagkakaiba ng uri ng pamilya tulad ng single-parent na pamilya, pamilya ng mga matatanda o grandparent family, multikultural na pamilya, adoptive family, mga ikinasal muli o remarried family, single-person na pamilya at iba pa.
Explanation:
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.